MWSS, nanawagang magtipid sa paggamit ng tubig

Patuloy pa ring makakaranas ng mahina o kawalan ng supply ng tubig ang customer ng Manila Water sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Apektado nito ang Makati, ParaƱaque, Pateros, San Juan, Marikina, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Quezon City.

Kasama rin ang Cainta, Rodriguez, Jalajala, San Mateo, Taytay, Teresa, Binangonan at Angono sa Rizal.


Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente sa nasabing mga lugar na mag-imbak ng sapat na tubig.

Nag-iikot na rin ang ilang water tankers para mag-deliver ng libreng tubig.

Makikita naman ang kabuuang apektado ng water service interruption sa mga social media pages ng Manila Water.

Facebook Comments