Inanunsiyo na ng ilang kumpanyan ng langis ang kanilang ipatutupad na umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo na mayroong oil price adjustment sa gasolina at pang-sampu naman sa diesel at kerosene.
Sa isang advisory, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na magpapatupad ang mga ito ng taas presyo sa produktong gasolina ng ₱0.20, ₱0.40 naman sa diesel at ₱0.20 sa kerosene.
Parehong oil price adjustment ang ipatutupad ng cleanfuel maliban sa kerosene na hindi nila produkto.
Epektibo na ang oil price adjustments dakong alas-6:00 ng umaga bukas para sa Shell at alas-4:01 ng hapon mag papatupad ng adjustment ang Cleanfuel.
Inaasahang mag-aanunisyo na rin ang ibang kumpanya ng langis ng kanilang ipatutupad na umento sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Base sa pinakahuling data mula sa Department of Energy (DOE), ang year-to-date net increases para sa presyo ng gasolina ay papalo na sa ₱15.30 kada litro, ₱10.70 sa kada litro ng diesel at ₱7.74 naman sa kerosene as of September 5, 2023.