Ilang operator ng school bus service, nagtaas na ng rate

Courtesy: Claret School of Quezon City

Nagtaas ng rate ang mga school bus service sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto.

Ito ay dahil kakaunti na lamang ang mga pasahero at nabawasan din ang mga nag-o-operate na unit.

Ayon kay Adolp Inocando, isang operator at driver ng school bus service sa isang pribadong eskwelahan, mula sa dating rate na P2,500, ay magtataas sila ng P3,500 dahil na rin sa taas ng presyo ng diesel ngayon.


Bukod dito, may mga polisiya rin aniyang ibinaba ang mga paaralan na dapat nilang sundin para maging ligtas ang mga estudyante.

Kabilang dito ang 50% seating capacity, bawal kumain, uminom, at magsalita sa loob ng sasakyan, at dapat ay nakabukas lamang ang bintana para sa maayos na daloy ng hangin.

Marami rin aniyang driver ang umuwi na lang ng probinsya o naghanap na ng ibang trabaho.

Samantala, umaasa naman ang mga school bus service operator na makababawi sila sa kita at makakabangon muli lalo’t mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang naglahad sa kanyang SONA na ipapatupad na ang in-person classes sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments