Ilang Opisyal at Kawal ng 95th IB, Pinarangalan

Cauayan City, Isabela- Nakataas ngayon ang moral sa hanay ng 95th Infantry Salaknib Battalion dahil sa mga bagong promote na Opisyal at sundalo na iginawad ng kanilang pinuno.

Pinangunahan ni LTC Lemuel Baduya, Commanding Officer ng naturang yunit ang pagbibigay ng parangal sa dalawang (2) Commission Officer, isa (1) sa ranggo ng Captain at isa (1) sa First Lieutenant habang isa namang Non-Commission Officer ang tumaas rin ang ranggo.

Ang mga rangko ng bawat isa, ay nangangahulugan na bagong yugto at kabanata na naman ang kanilang tatahakin para sa kanilang pagsisilbi sa bayan.


Bago naabot ang kanilang pagtaas ng posisyon, naging bahagi muna ang mga ito sa pag-papaunlad sa kanilang nasasakupan gaya ng pagkakabuwag ng Central Front (KR, CV), ang pag kademoralisa ng Rehiyon Sentro De Grabidad (RSDG) resulta sa dami ng ibinabang armas at mga pampasabog ng kanilang mga dating kasamahan, at ang pag-usbong ng napakaraming nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon sa pahayag ni LTC Baduya, kanyang sinabi na ang tagumpay ng bawat isa ay tagumpay ng lahat.

Ibinahagi pa ng pinuno na ang kanilang pagkakatalaga sa nararapat na posisyon ay bagong kabanata at isang hamon kasabay ng mas mabigat na responsiblidad na nangangahulugang mas pagbubutihin pa ang kanilang tungkulin sa komunidad gaya ng paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa taong bayan.

Facebook Comments