13 Pinoy, naka-recover sa COVID-19 sa ibayong dagat

13 overseas Filipinos ang bagong naka-recover sa COVID-19 sa ibayong-dagat.

19 naman ang bagong na-infect ng virus at 6 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 18,160 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad


Sa nasabing bilang, 5,877 pa ang patuloy na nagpapagaling.

11,162 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling at 1,121 ang kabuuang binawian ng buhay

Facebook Comments