Friday, March 20, 2026

Ilang opisyal ng civil registry na sangkot sa iligal na pagrehistro ng birth certificates ng mga dayuhan, kinasuhan ng NBI

Kinasuhan ng National Bureau of Investigation–Central Mindanao Regional Office (NBI-CEMRO) ang ilang public officials at private individuals na sangkot sa iligal na pagrehistro ng birth certificates ng mga dayuhan.

Matapos ang ugnayan ng NBI at Philippine Statistics Authority (PSA), sinampahan ng kaso ang mga opisyal ng Local Civil Registry Offices ng Pikit at Aleosan sa North Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, nagsabwatan ang local civil registrars, mga staff, at isang retired municipal civil registrar na umaktong private facilitator.

Nabatid na pinalusot ng naturang mga opisyal ang mga palsipikadong supporting documents sa pagrehistro ng birth certificates ng ilang foreign nationals upang maging Filipino citizens ang mga ito.

Natuklasan din ng PSA na umaabot na sa 50,000 na mga iligal na birth records ang nakatala sa mahigit 1,600 registry offices sa buong bansa.

Facebook Comments