Ilang opisyal ng Council of Asian Liberals and Democrats, dinalaw si Senator De Lima sa Camp Crame

Quezon City – Bumisita ang ilang opisyal ng Council of Asian Liberals and Democrats kay Senador Leila De Lima na ngayon nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay Jayanthi Balaguro, CALD Wowen’s Council Chair, kinakailangang magkaroon ng patas na paglilitis sa kaso ni Senador De Lima.

Aniya pa bilang isang halal na opisyal ng pamahalaan dapat siyang payagang makalaya upang magampanan ang kanyang tungkulin bilang isang senador.


Dagdag pa ni Balaguro na ang justice delayed ay justice denied.

Habang umaapela naman si Emily Lao, miyembro ng CALD at dating miyembro ng Hongkong Legislative Council kay Pangulong Rosrigo Duterte na igalang ang rule of law.

Kung may matibay aniyang ebidensya kay De Lima ay dapat itong iprisenta sa korte.

Matatandaang si De Lima ay nakakulong ngayon dahil sa umanoy pakikipagsabwatan nito sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Facebook Comments