Pinakamalaking festival sa Romblon, pinaghahandaan na rin ng DOT

Romblon – Puspusan na ang ginagawang pagpapakalat ng Department of Tourism ng mga impormasyon kaugnay sa nalalapit na taunang pista ng MIMAROPA sa darating na Nobyemre.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, nagsagawa na sila ng mga branding campaign sa mga international media para i-promote ang paparating na kaganapan kung saan magiging host ang Romblon.

Aniya, magandang pagkakataon ito para lalong ipakilala ang “Marble Capital of the Philippines” sa international community, lalo’t kilala ang mga taga-Romblon bilang pinakapala-kaibigan na tao sa buong mundo, at sa mga magagandang destinasyon dito.


Kaugnay nito, muling hinihikayat ng DOT ang mga turista, Pilipino man o dayuhan na makibahagi sa paparating na MIMAROPA Festival sa darating na Nobyembre 20 hanggang 25.

Facebook Comments