Ilang opisyal ng DA, pinatawan ng preventive suspension order ng Ombudsman dahil sa iregularidad sa Kadiwa ng Pasko Program

Pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na sangkot sa iregularidad sa Kadiwa ng Pasko Program.

Personal na nagtungo sa DA si Asst. Ombudsman Caesar “Bogs” Asuncion para iabot ang kautusan ng Ombudsman.

Ang mga opisyal na pinatawan ng suspension ay sina:


– Senior Usec. Domingo Panganiban
– Asst. Secretary for Consumer Affairs Cristina Evangelista
– Administrative Officer V Eunice Biblanias
– Office Chief Accountant Lolita Jamella
– FTI President Robert Tan
– Vice President for Operations John Gabriel Benedict III
– Budget Division Head Juanita Lualhati

Nabatid na nagsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman hinggil sa pagbili ng ng DA sa isang favored na kooperatiba ng overpiced na sibuyas, para maibenta rin sa para sa Kadiwa ng Pasko Program sa mataas na presyo.

Ayon sa Ombudsman, naghanap ang DA ng kooperatiba na sasali sa bidding para maibaba ang presyo ng sibuyas sa kadiwa, pero ito umano ay “bidding biddingan” lamang.

Facebook Comments