
Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinibak na sa pwesto ang ilan nilang opisyal na nasasangkot sa alegasyon ng korapsyon.
Ayon sa kagawaran, ipinag-utos ni DPWH Secretary Banoy Lopez ang pagsibak kina Tarlac 1st District Engineering Office District Engineer Hermon Ines at Engineer Saidale Mitmug ng Cotabato 3rd District Engineering Office.
Bukod dito, sibak din sa pwesto sina Apayao 2nd District Engineering Office OIC District Engineer Clifton Valencerina na sangkot umano sa pangingikil ng SOP o kickback sa mga proyekto.
Tinanggal din si Lanao del Norte 2nd District Engineering Office District Engineer Amron Mitmug dahil naman sa pagsertipika sa mga proyekto na hindi maipapatupad.
Ayon sa kagawaran, alinsunod pa rin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na linisin ang hanay at sibakin ang mga opisyal at empleyadong sangkot sa katiwalian.
Magpapatuloy din aniya ang one-strike policy na ipinatutupad sa kagawaran na ipinatupad sa ilalim ni dating DPWH Secretary Vince Dizon.










