Monday, November 9, 2026

BIR at Naga City LGU, tinalakay ang tax exemption para sa mga urban poor beneficiaries

Nakipagpulong si Naga City Mayor Leni Robredo kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Martin Mendoza upang talakayin ang hiling ng lungsod na tax exemption para sa mga ari-ariang ipinagkakaloob sa mga benepisyaryo ng urban poor housing program.

Partikular na nais ng lokal na pamahalaan na ma-exempt sa pagbabayad ng transfer taxes ang mga nasabing ari-arian.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga opisyal ng BIR Legal Group upang talakayin ang aplikasyon ng lungsod.

Tiniyak naman ng BIR na patuloy itong magbibigay ng gabay sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa wastong pagpapatupad ng mga batas sa buwis, habang sinusuportahan ang mga programang makatutulong sa mahihirap na komunidad.

Facebook Comments