Ilang Opisyal ng Isabela, Umalma sa Salitang ‘Trapo at Dynastiya’

*Cauayan City, Isabela-* Pumalag ang ilang mga mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Isabela sa salitang ‘TRAPO’ na ginamit ng mga nagsusulong sa Constitutional Reform upang ilarawan ang isang politiko na korap.

Ayon kay Mayor Jimmy Atayde ng Luna, Isabela na isa rin sa mga dumalo sa isinagawang forum kaugnay sa isinusulong na pagpapabago sa ating konstitusyon na pinangunahan ng DILG Region 2, masakit umano na pakinggan nang salitang ‘TRAPO’ maging ang kagustuhan ng mga nagsusulong na mawala na rin ang dynastiya sa mga politiko ay kanya rin itong pinalagan.

Aniya, dapat ang taong bayan ang sisihin kung bakit umiiral ang dynastiya dahil sila rin ang mga nagluklok sa mga ito sa pwesto.


Dapat din umanong pag-aralan ang naturang usapin ng anti-Dynasty dahil hindi lahat ng mga politiko na maituturing na dynasty ay walang ginagawang paraan upang paunlarin ang kanyang bayan at nagpapayaman lamang ito.

Sa kasalukuyan, abala ang DILG sa pagpapaliwanag sa mga kinauukulan at sila’y humihingi ng suporta sa mga LGU officials at iba’t-ibang sektor upang tuluyang maisakatuparan ang pagnanais na baguhin ang saligang batas sapagkat masyado na umanong matanda ang mga batas.

Hindi na rin umano ito naayon sa panahon kaya’t nararapat na umanong palitan ang ating konstitusyon ayon sa DILG.

Facebook Comments