Ilang opisyal ng MIAA, tutol sa pagsasapribado sa NAIA

Hindi kumporme ang ilang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa tumangging magpabanggit ng pangalan na MIAA officials, maraming empleyado ng airport ang maaapektuhan ng privatization ng paliparan.

Ang reaksyon ng MIAA officials ay kasunod ng pahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang pagsasapribado sa NAIA ay posibleng ipatupad sa unang quarter ng susunod na taon.


Tiniyak naman ni Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim, sa pangkalahatan ay walang mawawalan ng trabaho sa mga empleyado ng paliparan at bibigyan pa rin sila ng pagkakataon kapag naisapribado na ang airport facilities.

Ang lahat din aniyang airport assets sa NAIA ay magiging pagmamay-ari pa rin ng gobyerno at magiging limitado ang private concessionaire sa operations at management role.

Facebook Comments