DND Sec. Gibo Teodoro, unang aasikasuhin ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga kawani at empleyado ng ahensya

Mainit na sinalubong mga kawani ng Department of National Defense (DND) si bagong DND Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro.

Hindi na nabigyan pa ng pormal na arrival honors si Sec. Gibo dahil sa lakas ng ulan.

Sa pagharap ni Sec. Teodoro sa media, sinabi nito na nais niyang magkaroon ng magandang relasyon sa mga kawani at empleyado ng DND.


Patuloy rin aniya ang magiging ugnayan nila ni dating DND Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., upang mapagtagumpayan ang bawat hamon lalo na pagdating sa internal at external defense.

Nabatid na si Sec. Teodoro ay dati nang nagsilbing kalihim ng DND mula 2007 hanggang 2009 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Facebook Comments