Ilang opisyal ng PNP muling binalasa

Muling nagkaroon ng regodon sa ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa inilabas na kautusan ng Chief of the Directorial Staff na si P/M General Guillermo Eleazar, na aprobado ni PNP OIC P/Lt. General Archie Gamboa ang balasahan ay epektibo kahapon November 4, 2019.

Itinalaga bilang Acting Director ng Police Regional Office 3 si P/B General Rhodel Sermonia na mula sa Police Community Relations Group o PCRG


Papalit kay Sermonia si P/B General Bartolome Bustamante habang si P/Colonel Julius Ligawid na nagmula sa PNP Anti-Kidnapping Group ay tatayong Acting Ex-O ng DPCR.

Mula Police Regional Office 5 o Bicol PNP, ililipat si P/Colonel Domingo Lucas sa Police Regional Office 2 o Cagayan PNP bilang Acting Deputy Regional Director for Administration.

Mula naman sa pagiging OIC ng Central Luzon PNP, sinabi ni PNP Spokesman P/B General Bernard Banac na babalik si P/B General Leonardo Cesneros bilang Acting Deputy Regional Director for Administration.

Una nang sinabi ni Gamboa na asahan na ang panibagong balasahan sa kanilang hanay na isang paraan para maging mas produktibo ang kanilang organisasyon.

Facebook Comments