Ilang original members ng PDP-Laban, suportado pa rin si Pacquiao

Nananatiling suportado ng ilang ‘orihinal’ na miyembro ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.

Nabatid na pinatanggal sa pwesto si Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi, na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte na chairperson ng partido.

Sa statement, mariing kinokondena ng libu-libong bona fide at original members ng PDP-Laban ang mga personalidad, opisyal na nasa likod ng isinagawang national assembly.


Ang nangyaring eleksyon ng mga bagong PDP-Laban officers ay ilegal.

Ayon kay Senator Koko Pimentel, umaapela siya na suportahan ang liderato ni Pacquiao para sa partido.

“Huwag po tayong mag-alala kasi ang talaga ipinaglalaban namin dito ay ‘yong boses po ng ating mga chapter members sa buong bansa, lalo na ‘yong matagal nang kasama namin sa PDP-Laban,” sabi ni Pimentel.

Tiniyak naman ni Pacquiao na hindi niya hahayaang mananig ang “vested interests” sa loob ng padtido.

“Mas maganda ‘yan ina-underestimate nila ako kasi from the beginning naman, sa buhay ko, in my experience, kaya nga hindi ako naging Philippine team sa amateur kasi minamaliit din ako noong araw,” ani Pacquiao.

Una nang sinabi ni Pacquiao na magtatawag siya ng sariling national assembly sa Setyembre at dito i-aanunsyo ang magiging standard bearer ng partido para sa 2022 elections.

Facebook Comments