Ilang ospital at laboratoryo, pagpapaliwanagin sa hindi kumpletong case reporting system – Nograles

Iimbitahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang ilang ospital, laboratory at Disease Reporting Units (DRUs) sa isang meeting para hingan ng kanilang paliwanag hinggil sa hindi kumpletong case reporting system na nagpapabagal sa contact tracing efforts.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nagpadala sila ng sulat sa mga health facility lalo na ang mga matatagpuan sa Quezon City para ipanawagan ang kanilang pagtalima sa pagsumite ng wasto, kumpleto at napapanahong impormasyon tungkol sa COVID-19 patients.

Ang sulat ay pinirmahan nina Nograles, Health Secretary Francsico Duque III at Justice Secretary Menardo Guevarra.


Hindi tinukoy ni Nograles kung alin sa mga healthcare facilities ang nagpapasa ng kulang-kulang na datos.

Hinala pa niya, posibleng nangyayari din ito sa ilang lugar sa bansa.

Iginiit ni Nograles na kailangang mapaigting ang contact tracing para agad malaman at mai-isolate ang mga tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments