Problemado na ang mga ospital sa Cotabato sa pangangalaga sa mga pasyenteng nananatili pa rin sa mga tent matapos na masira ng lindol ang kanilang mga gusali.
Lalo kasi anilang nalalantad sa impeksyon at sakit ang mga pasyente habang nananatili sa mga tent.
Bukod dito, problema rin sa Kidapawan Medical Specialist Center ang kulang na palikuran at mga pasilidad para sa mga may sensitibong medical procedure gaya ng Chemotheraphy at mga major surgery.
Ganito rin ang sitwasyon ng mga ospital sa Bayan ng Makilala.
May mga bata nang sumasakit ang tiyan dahil daw sa kakulangan ng malinis na inuming tubig.
Ang ibang kritikal na pasyente, dinadala na muna sa mga ospital sa Davao City para doon gamutin.
Patuloy namang binabantayan ng mga otoridad ang posibleng pagkalat ng mga sakit sa Evacuation Centers.