Ilang Overflowbridges sa Isabela, ‘NOT PASSABLE’ dahil sa Naranasang Ulan

Cauayan City, Isabela-Hindi na madaanan ang ilang tulay sa Probinsya ng Isabela dahil sa pag-apaw ng tubig bunsod ng nararanasang tuloy-tuloy na ulan.

Ayon kay Ret. Col. Jimmy Rivera PDRRM Officer, pansamantalang sarado sa publiko ang Sta. Maria at Sto. Tomas (Cansan-Bagutari) overflowbridges gayundin ang tulay ng Baculod sa City of Ilagan; Gucab overflowbridge sa bayan ng Echague; Alicaocao overflowbridge sa Cauayan City.

Dagdag pa ni Dumlao, hindi rin madaanan ang ang tulay sa Turod-Banquero sa bayan ng Reina Mercedes na halos limang taon ng nasira sa mga nagdaang kalamidad kaya’t isang alternatibong paraan ay ang pagsakay sa bangka o gamitin ang daan sa bayan ng Gamu bago makarating sa mga barangay.


Samantala, passable na ang ilang tulay gaya ng Masaya Sur sa bayan ng San Agustin; Cabisera 8 sa City of Ilagan at Annafunan sa Echague.

Tiniyak nang PDRRMO-Isabela na handa ang kanilang hanay sa pagtugon sa insidente sakaling makapagtala ng hindi inaasahang sitwasyon.

Facebook Comments