Ilang paaralan sa Abra, nakitaan ng mga bitak kasunod ng magnitude 7.0 na lindol

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na ilang paaralan sa Abra at Vigan ang nakitaan ng mga bitak matapos ang magnitude 7.0 na lindol.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, patuloy ang ginagawang monitoring ng kanilang regional offices sa sitwasyon.

Aniya, wala rin silang naitalang nasugatan sa mga mag-aaral at mga guro gayundin sa kanilang staff.


Tiniyak din ni Poa na magbibigay sila ng update kung bibisita si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga paaralang naapektuhan ng lindol.

Kasabay nito, sinabi naman ni Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte na nakahanda ang Office of the Vice President (OVP) satellite offices para magbigay ng medical and burial services sa mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments