Mga geologist ng PHIVOLCS, nagsasagawa ng ocular inspection sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol

114

Nagsasagawa ngayon ng ocular inspection ang mga tauhan ng ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol ngayong araw.

Pinangunahan ito ng mga geologist ng PHIVOLCS na sina Jeffrey Perez at Margaret Dizon.

Sinamahan sila ng aabot sa 10 hanggang 12 personnel ng ahensya.


Bukod sa mga geologist, may mga engineer at social scientist na kasama ang nasabing team ng PHIVOLCS.

Alas-3:00 ng hapon kanina nang tumulak mula sa punong tanggapan ng PHIVOLCS sa Quezon City papunta sa Bucloc at Manabo sa lalawigan ng Abra na nakapagtala ng intensity 7.

Gayundin sa mga lungsod at bayan ng Ilocos Sur, Laoac, Pangasinan at Baguio City na nakapagtala ng intensity 6 at isusunod ang iba pang mga lugar na nakaranas ng matinding epekto ng lindol.



Facebook Comments