Ilang pag-yanig,naitala pa sa Taal Volcano hanggang kaninang umaga, ayon PHIVOLCS

Mula alas 5 kahapon ng umaga hanggang kaninang alas singko ng umaga, nakapagtala pa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 6 na pagyanig sa  Taal volcano na may magnitude  1.5 hanggang magnitude 3.4.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa ang Taal volcano network ng 467 volcanic earthquake na hindi naman naramdaman at 8 low frequency earthquake.

Ang aktibidad ng bulkan ay patunay lamang   na patuloy pa rin ang pag akyat ng magma sa loob ng Bulkan na posibleng mauwi sa hazardous explosive eruption anumang oras o araw.


Huling nagbuga ng mahinang Puting usok o abo ang bulkan na may taas na 50 hanggang 500 meters mula sa main crater at inanod sa timog- kanluran.

Habang nasa average na 141 tons ng sulfur dioxide naman ang ibinuga nito.

Mula ng sumabog  ang bulkan noong january 12 ,abot na sa 731 ang volcanic earthqauke ang naitala ng siesmic network.

Sa kabuuang bilang ,176 ang naitala  na may magnitude 1.2  hanggang 4.1.at naramdaman ang intensity 1 hanggang 5.

Nakataas pa rin amg alert level 4 sa bulkan at pinapayuhan ang lahat na nasa loob  ng 14 kilometer danger zone na lumikas.

Facebook Comments