Ilang pamilya na naapektuhan ng landslide sa Payatas, nailikas na

Nailikas na ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ang ilang pamilya sa Sampaguita Extension sa Payatas na lubhang naapektuhan ng landslide dahil nawasak ang kanilang tahanan.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, anim na pamilya mula sa kabuuang 25 families ang nailikas na sa relocation site sa QC Housing Project No. 17 na matatagpuan din sa nabanggit na barangay.

Sinabi naman ni Atty. Jojo Conejero, Acting Assistant Department Head of the Housing, Community Development and Resettlement Department na nakikipag-ugnayan na sila sa National Housing Authority para sa relokasyon ng 19 na nalalabing pamilya.


Kinordon na ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang lugar upang hindi na bumalik pa ang ni-relocate na pamilya.

Facebook Comments