Manila, Philippines – Ihaharap kay Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang ilang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre.
Ngayong araw kasi ang ika 8 anibersaryo ng malagim na krimen kung saan 57 ang napatay at kabilang dito ang 38 mamamahayag.
Sinabi ni Roque, mamayang 4 ng hapon ay makakausap ni Pangulong Duterte sa kaunaunahang pagkakataon ang ilang miyembro ng pamilya ng mga namatay sa karumal dumal na krimen.
Matatandaan na si Roque ay tumayo ding abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre.
Wala pa namang sinasabi si Roque kung ano ang hihilingin ng mga pamilya ng mga biktima kay pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Roque na naisingit lang niya ang pulong na ito sa official schedule ni Pangulong Duterte ngayong araw.
Ilang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre, makikipagpulong kay Pangulong Duterte
Facebook Comments