AGUSAN DEL SUR – Nadagdagan pa ang bilang ng mga lalawigan sa Agusan Del Sur na isinailalim sa state of calamity dahil sa nararanasang pagbaha.Humingi na ng tulong ang residente sa mga bayan ng Trento, Bunawan, Esperanza, La Paz, Loreto, San Luis, Talacogon at Vereula.Sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 30,000 residente ang naapektuhan ng malawakang pagbaha.Samantala, labing apat na barangay naman sa kapalong, Davao Del Norte ang nasa ilalim na rin ng state of calamity.Nananatili ngayon sa evacuation center ang nasa 900 residente makaraang lumikas dahil sa pagbaha.Apektado na rin ang mga panananim at alagang hayop ng mga residente.Nakatakdang naman isailalim na rin sa state of calamity ang buong probinsya ng Maguindanao dahil sa matinding nararanasang pagbaha.
Ilang Pang Lugar Sa Mindanao – Isinailalim Na Rin Sa State Of Calamity Dahil Sa Malawakang Pagbaha
Facebook Comments