Mechanics Sa 65Th Miss Universe Pageant – Binago

13

MANILA – May bagong mechanics o panuntunan ang 65thMiss Universe pageant.Mula sa dating top 15 gagawin na ito ngayon top 12, 9, 6, 3 format.Sa 86 na kandidata, pipilin na lang ngayon ang mga hurado ng top 12 kung saan ang papasok dito ang maglalaban-laban sa swimsuit competition sa coronation night.Sila ang mga nasala na sa preliminary competition ng jury na iba pa sa mga panel of judges sa araw ng pageant.Pagkatapos masala ang top 12 ay pipili ng top 9 na sya naman magpapasiklaban sa evening gown competition.Mula sa top 9, magiging ng top 6 na ito na syang sasalang sa question and answer portion at mula rito ay pipiliin ang top 3 na rarampa para sa final look.Sa kanila ay hihirangin ang second runner-up, 1strunner-up at ang kokoronahan 2016 Miss Universe.

Facebook Comments