Masakit umanong katotohanan na bukod sa kawalan ng pagbabago ay mas humirap pa ang pamumuhay ng karamihan sa mga Pangasinense.
Sa naging ng panayam ng IFM News Dagupan sa ilang residente, naging indikasyon umano ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin na nagpapabigat sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Isa pang dahilan na tinukoy ng mga residente ang tila pangungunsinti umano sa mga mahihirap na tumanggap na lamang ng ayuda mula sa gobyerno sa halip na magsikap at magtrabaho.
Samantala, may iilan naman ang nagsabi na bahagyang gumaan ang pamumuhay kung ihahambing noon dahil tumaas ang kanilang kinikita.
Sa pagtatala ng Philippine Statistics Authority noong 2023, bahagyang bumaba ang naitalang poverty incidence sa 15.5% mula sa 18.1% noong 2021. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨