Hati ang naging opinyon ng ilang Pangasinense sa usapin ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM News Dagupan, nakadepende sa desisyon ng mga nasa pwesto at pati na rin sa nagawa ng bise presidente kung mapapatalsik ito sa pwesto o hindi.
Marami din umanong dapat na ikonsidera para mapatalsik ang kasalukuyang nakaluklok sa pwesto, kung mapapatunayan na mayroon itong pananagutan sa kahit ano pa man na pagkakasala ay posible ang impeachment.
Ang iba naman, nagsabing payag sila sa pagpapa-impeach sa bise presidente ngunit hindi inilahad ang kanilang dahilan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









