URDANETA CITY MAYOR PARAYNO, HINDI PA RIN BUMABABA SA PWESTO SA KABILA NG SUSPENSION ORDER

Nagpapatuloy ang gampanin ni Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno katuwang ang bise nito na si Jimmy Parayno sa lungsod ng Urdaneta sa kabila ng inilabas na suspension order ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong January 7, 2025.

Iginiit ni Parayno na bagamat may suspension order mula sa Office of the President ay hindi ito naihain laban sa kanya ng legal dahil nataon umanong naka-sick leave siya noong ipinadala ito sa kanyang opisina.

Dahil dito, hindi umano ito natanggap ng opisina ni Mayor Parayno kaya’t hindi ito naging epektibo.

Dagdag pa riyan ang pahayag ng COMELEC na wala umanong authority ang pagpataw nito. Aniya, bagamat hinintay niya ito ay naabutan na umano ng election period noong January 12, 2025.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang kampo ni Governor Ramon Guico III kung saan hindi umano aprubado ang sick leave ni Mayor Parayno dahil sa hindi nito nasunod ang tamang proseso ng pagkuhang leave, kaya’t void ito.

Kamakailan ay personal naman na tinungo ng DILG Region 1 Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr., ang munisipyo ng lungsod at pinaalalahanan ang nasa rule of succession na sina City Councilor Franco del Prado at Warren Prado na kung sakaling hindi mag-assume sa position ay posibleng patawan ng parusang dereliction of duty o Pag abandona sa tungkulin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Kinatigan naman ng Commission on Elections ang pahayag ni Mayor Parayno at iginiit na hindi na epektibo ang suspensyong ipinataw sa kanya dahil sa naabutan na ito ng election ban. Sa election ban kasi, bawal suspendihin ang sinumang opisyal na nanunungkulan.

Nag-ugat ang suspension ng Mayor at Vice Mayor ng Urdaneta dahil sa umano’y grave misconduct at abuse of authority nang patalsikin si Liga ng mga Barangay President Michael Brian Perez.

Facebook Comments