Home Dagupan IFM 104.7 Dagupan ILANG PANGASINENSE, MAAGANG NAGLAKBAY PATUNGONG MAYNILA MATAPOS ANG HOLY WEEK

ILANG PANGASINENSE, MAAGANG NAGLAKBAY PATUNGONG MAYNILA MATAPOS ANG HOLY WEEK

0
ILANG PANGASINENSE, MAAGANG NAGLAKBAY PATUNGONG MAYNILA MATAPOS ANG HOLY WEEK

Nagsimula nang dagsain ang mga bus terminal sa Dagupan City nang mga manggagawang mula sa Pangasinan, isang araw bago ang inaasahang pagbabalik-trabaho matapos ang Holy Week break.

 

Ayon sa ilang pasahero, pinili nilang bumiyahe nang mas maaga upang maiwasan ang siksikan at posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko kasabay ng pagdami ng mga biyahero pabalik ng Metro Manila.

 

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa isang bus dispatcher, inaasahang mas lalo pang tataas ang bilang ng mga pasaherong bibiyahe ngayong araw, kasabay ng pagtatapos ng bakasyon.

 

Samantala, tiniyak ng dispatcher na sumasailalim sa masusing inspeksyon ang mga bus bago bumiyahe upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

 

Pinayuhan din ang publiko na sumunod sa mga alituntunin sa biyahe, kabilang ang pag-iwas sa pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit upang maiwasan ang anumang aberya.

 

Sa kabuuan, inaasahan na magpapatuloy ang mataas na bilang ng mga biyahero sa buong linggo habang dumarating ang mga manggagawa sa kanilang trabaho, kaya’t nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na maging maagap at maingat sa kanilang paglalakbay upang maiwasan ang anumang aksidente o aberya sa trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments