Ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila, sarado ngayong weekend — MMDA

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang mga pangunahing kalsada ngayong weekend.

Ito ay dahil sa isinasagawang road repair and reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), partikular na maaapektuhan ng pagkukumpuni ay ang EDSA Northbound malapit sa Santolan MRT station, sa may Bus Carousel lane.


Maapektuhan din ang ilang mga kalsada:
• Aurora Boulevard patungong New York
• paglagpas ng Kamuning/Kamias road patungong JAC liner bus station 2nd lane ng C5 road Southbound sa Makati City
• C5 Katipunan partikular sa panulukan ng C.P. Garcia ave.
• Fairview Avenue Southbound malapit sa Mindanao Avenue Extension
• Balintawak Cloverleaf North at Southbound patungong North Luzon Expressway (NLEX) at
• EDSA Southbound mula Balingasa creek patungong Oliveros footbridge sa Quezon City

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta.
Muling bubuksan ang mga nasabing kalsada alas-5 ng umaga sa Lunes, unang araw ng Agosto.

Facebook Comments