Ilang panukala, pinaaaprubahan na sa pagbabalik sesyon sa lunes

Pinaaaprubahan na agad sa pagbabalik sesyon sa Lunes ang mga nakabinbing panukala para sa 3rd and final reading.

 

Inaasahan ng ilang kongresista ang pagpapasa ng mga naiwang panukala dahil may sapat na panahon pa naman mula Mayo hanggang Hunyo na gawin ito.

 

Kabilang sa mga panukala na pinaaaprubahan sa mababang kapulungan ay ang mga batas para sa mga guro tulad ng paglilibre sa pagpapataw ng buwis sa honoraria, allowances at benepisyo ng mga gurong nagtatrabaho sa halalan.


 

Samantala, mayroon pang 11 panukala kaugnay sa pagpapabuti ng edukasyon sa bansa ang naisumite na sa Senado.

 

Inaasahan din na mapipirmahan na ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang mga education bills tulad ng National Museum Act, at Magna Carta for Scientists.

Facebook Comments