Mga truck driver, tricycle driver at pahinante nabulaga sa Mandatory Drug Testing ng PDEA sa Manila International Container Port

Nabulaga at nasurpresa ang mga truck driver, mga pahinante at maging mga tricycle driver sa bahagi ng Manila International Container Port Service Road sa isinagawang Mandatory Drug Test ng Pamahalaan.

 

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino ang Operation Harabas: Drug Test muna bago pasada sa mga truckdriver at mga pahinante nito  katuwang ang iba pang mga ahensya tulad ng LTO, LTFR, PNP, PCG Bureau of Customs, Manila Traffic and Parking Bureau at MICP dito sa 2 pinakamalaking Port sa bansa ang North at South Harbor.

 

Paliwanag ni Dir. Gen Aquino, kukumpiskahin agad ng mga tauhan ng LTO  ang drivers license ng mga driver na tatanggi sa Mandatory Drug Test ibabalik lamang ito kapg nagbigay na ng Clearance ang PDEA.


 

Habang ang mga magpopositibo sa Drug Test ay hihikayating sumailalim sa on site counselling at tutulungan sa pagpapa ficilitate na sumailalain sa rehabilitasyon sa pakikipagtulungan ng DOH at Local Gov’t Unit.

 

Gamit naman ang mga K-9 ng PDEA, Phil. Coast Guard at PNP  tumulong upang magsagawa ng sweeping opertions Unit na nakasarado o silyado ang mga Container truck

 

Kumbinsido si Aquino na malaki ang maitutulong ng programang ito para mabawasan ang mga gumagamit ng ilegal na droga at maiiwasan din ang matitinding aksidente sa lansangan kapag hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga driver.

Facebook Comments