Ilang pasahero at sasakyang pandagat, stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Ulysses

Tinatayang nasa 1,500 indibidwal at ilang sasakyang pandagat ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa BAGYONG ULYSSES.

Kabilang dito ang 736 na pasahero, drivers at helpers; anim na vessels at 286 rolling cargos ang stranded sa mga pantalan ng Matnog, Pilar, Pio Duran, Bacacay, Masbate, San Jacinto at Cc at Cataingan sa Bicol Region.

Hindi rin makaalis ang halos 513 na pasahero, 133 rolling cargos at 10 vessels sa Port of Sta. Clara, Balwacheco at Dapdap sa Eastern Visayas.


Habang dito sa National Capital Region (NCR), tinatayang nasa 195 drivers at helpers ang stranded kasama ang isang vessel at 110 motor bangka sa Port of Manila at sa Binangonan 1.

Tiniyak naman ng PCG na 24/7 ang gagawin nilang monitoring para mabilis na makatugon sa mga mangyayaring emergency situation.

Samantala, sinuspendi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng ilang Public Utility Vehicle (PUV) mula Bicol Region patungong Visayas at Mindanao.

Nakiusap din ang ahensya sa publiko na hangga’t maaari ay iwasan ang pagbiyahe kung may kalamidad.

Facebook Comments