Ilang pasahero, nag-uuwian na sa kani-kanilang probinsya

Maraming pasahero na ang maagang umuwi sa kani-kanilang probinsya, isang linggo bago ang Undas.

Inaasahan kasi na sa susunod na linggo, dadagsa na ang libu-libong pasaherong sa mga transport hub sa Metro Manila.

Katunayan, halos fully-booked na ang mga biyaheng pa-Cagayan, Isabela at Ilocos sa ilang bus terminal sa Sampaloc, Maynila para sa mga petsang mula October 29 hanggang 31.


Sinimulan na rin ng LTFRB ang pag-iinspeksyon sa mga bus na ba-biyahe sa probinsya ngayong Undas.

Habang kahapon, ipinag-utos na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapagana sa mga malasakit help desk sa lahat ng mga transport hub sa buong bansa.

Facebook Comments