Isang bahagi ng Cavite-Laguna expressway, bubuksan na!

152

Bubuksan na sa mga motorista ang isang bahagi ng Cavite Laguna Expressway.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – sa darating na Undas ay madaraanan na ang kalsada mula Mamplasan hanggang Silang Tagaytay Road.


Habang sa 2020 pa inaasahang mabubuksan ang buong kalsada na magdurugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) at Cavite Expressway (CAVITEX).

Sa Disyembre naman bubuksan ang skyway na magdurugtong sa SLEX at North Luzon Expressway (NLEX).

Ilang highway at expressway din ang target buksan sa publiko matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments