Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Santiago City Health Officer Dr. Genaro Manalo na halos lahat ng pasyenteng sumailalim sa Aggressive Community Testing at nagpositibo sa COVID-19 ay tinatanggihan umano mga LGU kung saan ang mga ito ay residente.
Ito ang inihayag ni Manalo matapos aminin ng mga pasyenteng nagpositibo sa sakit ang kanilang karanasan sa umano’y hindi pagtanggap ng LGU sa kanila.
Ayon kay Mano, nasa kabuuang 9,000 ang kanilang nasuri at 2,000 sa mga ito ang sumailalim sa free drive-thru COVID-19 testing.
Sa kasalukuyan, nasa 44 na ang nakapasailalim sa quarantine para masigurong nababantayan ang kalusugan ng mga ito.
Pagtitiyak naman ng opisyal na hindi nila ididiskrimina ang mga magnanais magpasailalim sa pagsusuri.
Una nang sumailalim ang ilang residente ng mga bayan ng Jones, Cordon, Ramon at Ifugao Province.
Tanging pakiusap lang ni Manalo sa mga LGU na iwasan sana ang hindi pagtanggap sa mga nagpositibong kababayan nila dahil hindi naman aniya ito ginusto ng mga pasyente.