Ilang pasyenteng tinamaan ng COVID-19, may posibilidad na ma-stroke

Isa sa kada apat na Pilipinong na-ospital dahil sa COVID-19 ang may tiyansang ma-stroke.

Ayon sa Philippine Neurological Association, 26% sa halos 11,000 Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa 37 ospital sa bansa ang nakitaan ng neurological symptoms gaya ng pagsakit ng ulo, pagbabago sa pang-amoy at muscle pain.

Maliban sa stroke, may posibilidad ding magkaroon ang mga ito ng encephalopathy o sakit na nakakapekto sa function o structure ng utak ng tao at behavioral changes.


Paliwanag ni University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) stroke services Head Dr. Epifania Collantes, nababawasan kasi ang blood flow ng mga COVID-19 positive dahil sa blood clots sa mga ugat kaya nahihirapang ang utak ng tao na makakuha ng oxygen.

Habang nabatid din na 23% ng mga nasasawi sa COVID-19 ay mayroong neurological deficits.

Posibleng maramdaman ng mga COVID-19 patients ang sintomas ng stroke 14 araw bago o pagkatapos ma-diagnose sa sakit.

Facebook Comments