Kamakailan ng ianunsyo ni Vice President at Secretary of DepEd Secretary Sara Duterte na hindi sapilitan ang pagsususot ng uniporme sa pasukan subalit ay marami pa ring mga magulang ang gustong pagsuotin ng uniporme ang kanilang mga anak.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay ginang Rolanda Tomines, may-ari ng patahian,madami pa rin ang nagpapatahi sa kanila lalo na at nalalapit na ang pagkakaroon ng face-to-face classes.
Dagdag niya, ito rin ay magandang balita para sa kanilang trabaho sa kabila ng pandemya.
Ayon naman kay Ginang Angelica Limos na may apat na anak na nag aaral, mas mainam ang pagsusuot ng uniporme dahil ito ay mas tipid kumpara sa pagbili ng mga bagong damit para sa mga anak upang may ma-isuot sa paaralan.
Ang simula ng klase para sa apehong pampubliko at pribadong paaralan ay nakatakdang magsimula sa Agosto 22, 2022.
Inaasahan namang babalik ang full face-to-face classes sa Nobyembre ngayong taon.