SONA ni PBBM, tatagal lang ng 1 oras at 15 minuto

Inihayag ng Office of the Press Secretary na tatagal lang ng isang oras at labing limang minuto ang gagawing unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay katumbas ng mahigit 7000 words.

Kanina una nang sinabi ni Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na matutuwa ang lahat ng makikinig at manonood sa mensahe ng kaniyang ama.


Sinabi rin nito na halos kapareho ang magiging delivery ng SONA nang kaniyang ama at ng lolong si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Facebook Comments