*Cauayan City, Isabela-* Patuloy ang ginagawang gamutan ng ilang Persons Deprive of Liberty matapos magpositibo ang apat na lalaking PDL na may sakit na Tuberculosis sa Cauayan City District Jail makaraang masuri ng mga kawani ng tanggapan ng City Health Office sa kanilang isinagawang Medical Mission sa 177 na PDL’s noong nakaraang Linggo.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Jail Chief Insp. Gilbert Accad, sasailalim ang mga ito sa anim (6) na buwang gamutan sa programa na TB Dots.
Ayon pa kay Jail Chief Insp. Accad, inihiwalay na muna ang apat na nagpositibo sa sakit na TB mula sa kanilang mga selda upang mas maging maayos ang kanilang gamutan.
Ang tuberculosis ay isang sakit sa baga na dulot ng mga mikrobyong nalalanghap sa hangin na naibabahing ng isang taong may sakit na TB.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang monitoring ng mga kawani ng district jail upang masiguro na tama at ligtas ang kanilang mga iniinom na gamot.