100 Pasayeño nabigyan ng libreng flu vaccine at pneumonia vaccine

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pasayeño na nabenepisyuhan ng libreng flu vaccine at pneumonia vaccine ngayong araw.

Batay sa ulat ng Pasay City Information Office, ang libreng vaccination ay kaugnay sa programa ng lungsod na HELP o Healthcare and Housing; (E) Education, Economic Growth and Environment; (L) Livelihood and Lifestyle; at (P) Peace and Order, Palengke at Pamilya.

Ang mga nabigyan ng libreng vaccine ay taga-Barangay 51 at ginanap ang bakunahan sa Tramo Buendia Street.


Matatandaang kamakailan lang ay nagsagawa rin ng vaccination para sa anti-flu at pneumonia ang lungsod.

Samantala, kaugnay naman sa vaccination kontra COVID-19, sa ngayon umaabot na sa 501,150 ang nabakunahan sa Pasay.

266,430 dito ay nakatanggap na ng first dose habang 243,670 ay fully vaccinated na.

Facebook Comments