Ilang personalidad at opisyal ng Pharmally, ilang taong hindi nagbayad ng buwis – Senate Blue Ribbon Committee

Nabunyag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na bigo ang ilang personalidad at opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na isumite ang kani-kanilang income tax return (ITR) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng ilang taon.

Sa dokumentong ipinakita ni Senator Franklin Drilon, simula 2014 hanggang 2017, hindi nagpasa ng ITR ang Chinese businessman na si Michael Yang at noong 2018, P208,000 ang taxable income nito pero P7,600 lamang ang binayaran nito.

Unreadable din ang records ni Yang para sa taong 2019 at 2020.


Habang wala ring taxable income si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ) Usec. Lloyd Christopher Laonoong 2017 at hindi rin ito nagsumite ng ITR noong nakaraang taon.

Nakitaan ring may palya sina Pharmally executives Twinkle at Mohit Dargani sa pagbabayad ng kanilang buwis.

Maliban dito, ang mga supplier ng ilang medical equipment ng Pharmally na Greentrends Trading International Inc. at Xuzhou Constructions Machinery Group ay bigo ring magpasa ng kanilang ITR sa mga nakalipas na taon.

Dahil dito, iginiit ni Drilon na hindi dapat makalusot lamang ang nabanggit na personalidad dahil obligasyon sa batas ang pagbabayad ng buwis.

Facebook Comments