Ilang Pilipino, nais manatili sa Sri Lanka sa gitna ng economic crisis

47

Piniling manatili ng ilang Pilipino sa Sri Lanka sa gitna ng nararanasang economic crisis doon.

Ayon kay Association of Filipinos in Sri Lanka President Wilma Agcaoili, marami ang hindi nagpalista sa repatriation program ng pamahalaan dahil ang iba dito ay may mga pamilya na sa Sri Lanka at walang trabahong naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Agcaoili na hinihintay pa nila ang pangako ng pamahalaan na $300 financial assistance para sa mga Pilipinong apektado ng krisis sa Sri Lanka.


Batay sa Philippine Ladies Association in Sri Lanka, sa kabuuang 581 na Pilipino sa Sri Lanka, ay nasa 25 pa lamang ang nagpalista sa repatriation program ng bansa.

Facebook Comments