Palasyo, iginagalang ang naging desisyon ng Commission on Appointments hinggil sa pag-bypass ng ilang presidential appointees

81

Kinikilala ng Malacañang ang kapangyarihang ibinigay ng ating Konstitusyon sa Commission on Appointments.

Ito ay makaraang ma-bypass ng COA ang ilang presidential appointees.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary at acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, nirerespeto nila ang naging desisyon ng Commission on Appointments.


Una nang sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na wala pa siyang impormasyon hinggil sa magiging kapalaran ng mga opisyal ng ilang constitutional bodies na na-bypass ng COA.

Kabilang dito sina Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles, Commission on Audit (COA) Chairperson Rizalina Justol, Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioners George Garcia at Aimee Torrefranca Neri.

Facebook Comments