Umabot na sa higit 254,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang naiuwi sa Pilipinas dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) kagabi, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ang nasabing bilang ng OFWs ay nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan.
Pero sinabi ng kalihim na mayroon umanong mga Pilipino na nasa Sabah na nais nang bumalik sa Pilipinas subalit hindi makauwi dahil sa ipinatutupad na lockdown sa lugar.
Idinagdag ni Lorenzana na hindi pa tumatanggap ang mga lalawigan ng Zamboanga, Jolo at Tawi-Tawi ng mga Locally Stranded Individuals (LSI) at mga OFW bilang pag-iingat ng mga lokal na opisyal sa virus.
Facebook Comments