Ilang Pinoy celebrities, pasok sa “Asia’s 100 Digital Stars” ng Forbes Asia

Pasok ang ilang Pinoy celebrities sa “Asia’s 100 Digital Stars” list ng Forbes Asia.

Sa inagurasyon kahapon ng listahan ng mga personalidad sa pelikula, musika at telebisyon sa buong Asia Pacific Region, napasama ang local celebrities na sina Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Anne Curtis, Marian Rivera, Kim Chiu, Vice Ganda, at Sarah Geronimo sa mga ‘most influential’ personalities sa digital world.

Ayon kay Rana Wehbe Watson, editor ng Forbes Asia list, pinili ang mga pasok sa listahan base sa social media reach at engagement, base sa kanilang trabaho at kanilang adbokasiya ngayong panahon ng pandemic.


Pasok din sa nasabing listahan ang iba pang prominenteng personalidad tulad ng South Korean star na si Lee Min Ho, BTS at Blackpink, Jay Chou ng Taiwan, Naomi Watanabe ng Japan, Mario Maurer ng Thailand at Australian stars na sina Hugh Jackman at Chris Hemsworth.

Facebook Comments