Ilang Pinoy detainees sa Bahrain, nakauwi na ng bansa

Dumating na sa bansa ang 58 Filipino repatriates mula Bahrain kabilang na ang ilang Pinoy detainees doon.

Kasama rin sa mga dumating ang ilang overstaying na Overseas Filipino Workers (OFWs) doon at ang ilang Pinoy na matagal nang kinakalinga sa Philippine Embassy Shelter.

2 rin sa dumating na OFWs ang may medical condition.


Ayon sa Philippine Embassy, marami pang distressed Filipinos sa Manama Bahrain ang dumudulog sa kanila para magpatulong sa pagpapa-book ng ticket sa Gulf Air pauwi ng Pilipinas.

Sa ngayon ay may special rate na inaalok ang Gulf Air.

Facebook Comments