Nagsisimula nang dumalaw sa mga sementeryo at kolumbaryo ang ilang Pinoy bilang paggunita sa Undas ngayong taon.
Sa Manila South Cemetery, tinatayang 1,000 na ang dumalaw sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay kahapon.
Ayon sa pamunuan ng nasabing sementeryo, tinitignan nila ang temperatura ng lahat ng pumasok at tinitiyak din na mahigpit na nasusunod ang minimum health protocols.
Habang pagtuntong pa lamang ng alas-6:00 ng umaga kahapon, paisa-isa na rin ang pumapasok sa Manila North Cemetery.
Isa-isa ring ininspeksyon ng police assistance desk sa labas ng sementeryo ang mga bag at ilang bitbit ng mga dadalaw.
Inaasahang ngayong linggo dadagsa ang mga tao sa mga sementeryo at kolumbaryo bago ito tuluyang isara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 bilang pag-iingat sa COVID-19.