Pulong sa pagitan nina Davao City Mayor Sara Duterte at presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr, hindi pa nangyayari

Kinumpirma ng panig ni Davao City Mayor Sara Duterte na wala pang nagaganap na pagpupulong sa pagitan nila ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos lumabas ang mga balita at litrato na parehong nagtingo sa Cebu City ang dalawang politiko.

Ayon kay Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, inimbitahan niya ang alkalde ng Davao City para sa pagpapasinaya ng bagong pantalan sa Liloan at para dumalo na rin sa League of Municipalities of the Philippines Cebu General Assembly.


Habang kinumpirma rin ito ng Chief of Staff ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez at sinabing nasa Cebu ito para pangunahan ang inagurasyon ng kaniyang campaign headquarters sa Barangay Barrio Luz.

Facebook Comments